sketches&doodlez

carrots!
I am deeyawnah...
...most people call me diane or diana.
Schools: CSA and UST
Currently: Taking up Industrial Design
Hometown: Paranaque City, MMla
Email and YM: deeyawnah@yahoo.com

just cant get enough of..

music. regina spektor. house. electronica. techno. art. design. furniture. exhibits. gadgets. technology. dogs. internet. holy kettle corn. anchovy lover's pizza. chocolates. coffee. my family and friends. singing. dancing. romantic comedies. blogging.

so sick of..

flying roaches. the smell of peanuts. slow dial up connections. scary movies. flood. splitting headaches. perspective. war. mayayabang. maaarte. injustice. corruption. unreasonably high priced products.

Speak.




Hop on.

tep sancianco
hazel cruz
nadine arraiza
jp villafuerte
marlon mendoza
sandy david
ross salazar
mike cabauatan
nash villanueva
patty isidro
andy kubota
jeng bulseco
jobert gallos
chester santos
chuckie dela rama

my multiply

bryanboy
brewrats

secrets of flight

industrial design 2 [lecture]
ust
csa
bicycle design
inhabitat

Hop back.

March 2006
April 2006
May 2006
June 2006
July 2006
August 2006
September 2006
October 2006
November 2006
April 2007
May 2007
July 2007
August 2007
September 2007
October 2007
November 2007
December 2007
January 2008
June 2008
July 2008
September 2008
October 2008
December 2008
January 2009
February 2009
March 2009


Thanks.

Designer: li0nheart
Code base: Ebullient*
Flash: ~thehermitdesign


Plurk.
Plurk.com





Welcome to akosidiana.blogspot.com! Hover your cursor over the little circles for a pleasant surprise! =D

eh kung limang araw kaya mawalan ng kuryente senyo? / Friday, October 06, 2006


hndi ka ba maiinis? sa init? di ka makatulog? di ka makatulog kasi biglang bumili ng napakalaking genarator ang kapitbahay nyo? nakakainis kasi walang ilaw, di ka makagawa ng assignment/plate at kung ano man. nakakainis kasi walang source of entertainment. walang tv. walang computer. de bateryang radyo at dyaryo lamang. at yung mga batang-dota, noong mga araw ng kadiliman sa maynila ay naglalaro ng monopoly, boggle, at mga iba't ibang board games na kulang na lang, pag tumagal pa siguro ang pagkawala ng kuryente ay nagsusungka at tumbang preso na sila. nakakatawang isiping biglang back to basics tayo nuong mga araw na yon. ang mga nanay na sanay sa washing machine sa paglilinis ng damit ay napilitang magkuskos at maglaba ng tambak tambak na damit. sakit ng katawan at pagkalambot ng mga kuko naman ngayon ang kanilang reklamo. at nung lunes, namromroblema ang mga papasok sa kanikanilang paaralan/opisina ang kanilang isusuot na gusot gusot dahil hindi ito naplantsa. ang mga dati'y nagcecellybabad ay mga nagsiubusan ng baterya sa celfone. ayan at nakicharge sila sa kung saang mall sila mapadpad. teka, celfone? aba, nalaos kaya yun! landline na muli ang gamit sa pag tawag. at ang mga kotse? ginawang charger, sound sytem at silid-tulugan ng mga mayayaman sa gasolina. oo nga naman, aircon diba? at ang supermarket? dinagsa ng mga tao. sila'y nagpanic-buying. panic-buying ng tubig pang-inom at kandila. isang cart para lamang sa kandila. tsk tsk. ang treats, 7 11 at select naman ay naubusan ng binebentang yelo. kelangan ng yelo para sa mga karne, isda at mga tira-tirang ulam sa frigider na siyang namaho na dahil sa amoy ng nabubulok nang pagkain. sayang. kailangan nang itapon. o di kaya nama'y kailangan nang lutuin na para hindi masira. ang saklap talaga ng naidulot ng pagkawala ng kuryente. mabuti nga eh samin, lunes kinagabihan ay nagkaroon na. sa mga iba kong kaklase ilang araw pa bago sila nagkaroon ng ilaw. tuloy hindi namin magawa ang plates namin. ang hirap talaga. lalo na yung sakin.. praying mantis ba naman ang design mo eh, di ka kaya duguin sa pagddrawing nun?

magtungo naman tayo sa labas.. sabi sa dyaryo, madaming naidulot na pinsala si bagyong milenyo. mga nagtumbahang billboard nakapatay ng ilan-ilang tao. nakawasak ng mangilan-ngilang sasakyan. eh pano ba naman, ang lalaki kasi! ngayon ay nagpapataw ang gobyerno ng mahihigpit na batas laban sa mga higanteng billboard sa tabi ng kalsada. napakarami ding punong nabuwal noong kasagsagan ng bagyo. nagtumbahan sila kung kaya't ang mga cable, linya ng telepono, at poste ng meralco ay sumabit at nagsipagtumbahan din. poof! walang kuryente! at napakahirap pang ayusin. lalo na dito sa lugar namin. 18 na billboard daw ang tumumba sa south luzon expressway. nakaapekto ito sa mga poste ng meralco. napakaraming lumipad na mga yero at mangilan ngilan ay niliparan ng bubong! butas tuloy ang bahay nila. tsk tsk. kawawa na nga ang pilipinas, lalo pang kinawawa ni milenyo. sa ibang lugar tulad ng bicol ay nakaranas ng mas malupit pang parusa ni milenyo.

sa buong buhay ko ngayon lang ako nakaranas ng ganito. ang sabi ni mommy, noon daw ay may masmalakas pang bagyo na dumaan sa maynila. buhay na kaya ako nun? o di ko lang maalala. ewan. basta, noong kasagsagan ay nakaramdam ako ng takot. takot na baka biglang liparin ang mga plastic na bubong sa may labas ng bahay namin. takot dahil ang hangin ay kumakanta at sumisipol sa labas. pati aso ko natakot eh. hayun at nagtago siya sa ilalim ng lamesa.

hay. ano ba to. ang tatas ko namang managalog. hahahaha! makaalis na nga..



/Hopped!
11:20 PM

>>>